Una sa Balita

P200K pabuya ng Antipolo mayor sa pinatay na city hall employee

0 329

NAG-ALOK ng P200,000 pabuya si Antipolo City Mayor Jun Ynares sa sinumang makapagtuturo o makakapagbigay ng impormasyon sa suspek sa pagpatay sa isa sa mga empleyado ng city hall kamakailan.

Kinondena ni Mayor Ynares ang ginawang pamamaril kay Bernard Sanchez.

“Naglaan ang lokal na pamahalan ng P200,000 na pabuya para madakip o o
maaresto ang sinumang pumatay o utak sa pagpatay kay G. Bernard Sanchez,” ayon kay Ynares.

Sa imbestigasyon, binaril si Sanchez noong Disyembre 29, 2018 sa harap mismo ng City Market of Antipolo kung saan siya naka-assign bilang area supervisor.

Nagmamadaling umalis ang suspek patungo sa direksyon ng lower Sto. Niño, Brgy. Sta. Cruz sa Antipolo.