Una sa Balita

P200B tagong yaman ng mga Marcos isusunod ng Sandiganbayan

By
0 545

Matapos hatulang guilty sa pitong kasong graft, “submitted for resolution” na rin ng Sandiganbayan ang hiwalay na kaso ni dating First Lady Imelda Marcos at mga anak nito na may kinalaman sa P200 billion forfeiture case.

Ayon sa Fourth Division ng anti-graft court, submitted for decision na ang 31-year old civil case laban kay Marcos kaugnay sa umano’y tagong yaman ng kanilang pamilya.

Ito’y matapos na makapagsumite ng kanila-kanilang summary of arguments ang magkabilang kampo.

Ang Office of the Solicitor Gene­ral (OSG) ay nagsumite ng kanilang memorandum sa korte noong Mayo 8, habang ang kampo ni Marcos ay nagsumite naman noong Hulyo 31.

Sangkot sa kaso si Ilocos Norte governor at senatorial candidate Imee Marcos; dati nitong asawa na si Tomas Manotoc; kapatid na si Irene Marcos at asawang si Gregorio Araneta; at dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa reklamo, inakusahan ang mga Marcos na iligal na nagkamal ng pera para magpayaman noong panahon ng rehimeng Ferdinand Marcos.

“Defendants, therefore, have unjustly enriched themselves to the grave and irreparable damage and prejudice of plaintiff. Defendants have an obligation at law to solidarily return to plaintiff such funds and other property,” ayon sa OSG.

Bukod dito, humingi rin ang pamahalaan ng P250 milyong actual da­mages reimbursement na ginastos sa pagkuha sa Marcos wealth, moral da­mages na P50 bilyon at exemplary damages na P1 bilyon.