Una sa Balita

P200B hugutin sa 2020 budget bilang panlaban sa COVID

0 413

INIREKOMENDA ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera na hugutin ang mga naipit na pondo sa 2020 national budget upang magamit ni Pangulong Rodrigo Duterte na panlaban sa coronavirus disease outbreak.

Ayon kay Rep. Herrera, maaaring ilipat sa ibang proyekto ang P200 bilyong pondo na nasa 2020 General Appropriations Act upang magamit sa mga nangangailangan ng tulong bunsod ng pinatupad na enhanced community quarantine.

Ang pondong ito ay maaaring gamitin na “safety nets” para sa mga mahihirap, gayundin sa mga small and medium entrepreneur na lubhang tinamaan ng Luzon-wide lockdown.

Kailangan aniyang sagipin ang mga SME sa pagkalugi lalo pa at sila ang kumakatawan ng 90 porsiyento ng negosyo sa bansa at maiwasan ang malawakang tanggalan sa trabaho.

Tinukoy ni Herrera ang mga alokasyon na maaaring ilipat ng paggagamitan tulad ng P1 bilyong pondo ng DepEd para sa conservation and restoration ng heritage school buildings; P4 bilyong ICT modernization program ng ilang SUCs; P25 bilyong AFP modernization plan; P1.1 bilyong ecological solid waste management fund ng DENR at P13.6 bilyong pambayad sa right of way ng DPWH at DOTR.

Tinukoy din ni Herrera ang P195 bilyong alokasyon para sa Special Purpose Fund na hawak pa rin ng DBM.

Ang mga binanggit na pondo ni Herrera ay nasa DBM at klinasipika bilang “For Later Release.”

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More