Una sa Balita

P200B ayuda ng gobyerno sa mga mahihirap na pamilya ilalarga na – Duterte

0 481

Ikinakasa na ng gobyerno ang pamumudmod ng malaking tulong para sa mga Pilipinong matinding naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalaan ng P200 billion para sa lahat ng informal workers o yaong sapat lamang ang kita sa isang araw.

“The government is now launching the largest and widest social protection program in our country’s history. We have allotted 200 billion pesos for low-income households who are badly affected by the current crisis. Sila ang nasa informal sector and those who live day-to-day on subsistence wages or “no-work, no-pay ” arrangements,” anang Pangulo.

Kumikilos na aniya ang gobyerno para malampasan ang kinakaharap na krisis dulot ng COVID-19 at makabawi sa epekto ng pandemic.

Kabilang sa mga tinututukan ngayon ayon sa Pangulo ay una, paghahatid ng emergency assistance sa mga apektadong sektor ng lipunan, pangalawa, pagbili ng mga kagamitan at pagpopondo sa health sector, at pangatlo ay pagsusulong ng tamang hakbang para sa ekomiya.

Tiniyak ni Pangulong Duterte sa sambayanan na nakatutok ang gobyerno para mabantayan ang kapakanan ng bawat Pilipino sa panahon ng dinaranas na krisis.

“Rest assured that the national government is behind you as we safeguard the welfare of our people in your communities,” dagdag ng Pangulo.

Pinasalamatan ng Presidente ang local government units na kumikilos at nagtatrabaho para mahadlangan ang pagkalat ng coronavirus sa kanilang komunidad.

” Let me thank the LGUs who are doing their best to contain the spread of the virus in your localities. I see that you are employing innovative programs and initiatives to address the needs to your constituents,” wika pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More