P2.2M shabu natisod

By

Umaabot sa P2.2 Mil­yong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya matapos arestuhin ang dalawang drug pusher sa magkahiwalay na buy-bust operation kama­ka­­­la­wa ng gabi sa Cebu City.

Kinilala ni Sr. Insp. Narrolf Tan, team leader­ ng Cebu City Intelligence Branch na nanguna sa o­perasyon ang mga dinakip na sina Carlota­ Alonzo alyas ‘Lota’ at Ozner Nabua.

Si Alonzo na naaresto sa Barangay Tejero ay sinasabing konektado sa napatay na drug lord na si Rowen Secretaria. Si Nabua naman ay pinaniniwalaang may ilegal na koneksyon sa Cebu City Jail. 

“Ang dalawa ay kapwa mga high value targets ng Cebu City Police Office at kabilang sa drugs watch list. Their area of distribution, we gathered­, are within barangays of Cebu City,” pahayag ni Tan.

Sa interogasyon, ­kapwa itinanggi ng mga suspek ang paratang sa kanila. Gayunman ma­susi pang iniimbestigahan ng pulisya ang mga suspek. 

SHARE