Una sa Balita

P2.2B Comelec-Smartmatic midnight deal haharangin ng Kongreso

By
0 2,640
NAGBANTA si House Minority Leder Danilo Suarez na haharangin ang 2019 budget ng Commission on Elections (Comelec) bunsod ng diumano’y maanomal­yang deal sa pagitan nito at ng Venezuelan election technology supplier na Smartmatic-Total Information Management Corp. kaugnay sa sinasabing diumano’y palihim na deal patungkol sa P2.2B procurement ng vote-counting machines (VCMs) na napagkaya­rian noong Disyembre ng nakalipas na taon. 
 
“Bibilhin mo wala naman sa GAA (General Appropriations Act) ang pambili nila, definitely ipi-present nila ‘yan sa 2019 budget. Pagda­ting du’n kukuwestyunin na namin. 
 
“Ang point ko walang tigil ‘yung… para tayong milking cow, pinare-rent sa iyo lahat-lahat, ginamit mo na tapos ngayon bibilhin pa natin. Kaya kung magde-delibe­rate lang kami ng budget at aabutin ‘yan… siguro this representation will ask for a thorough in behalf of the minority a reorganization of this office before we even consider giving them budget for 2019,” pahayag ni Suarez sa press briefing kahapon.
 
Iginiit ni Suarez na ihihirit nito sa pamunuan ng Kamara na habulin at maawat ang deal. 
 
Nitong Pebrero 5 ngayong taon ay inihain ni Suarez ang House Resolution No. 1647 na nananawagang magsagawa ng imbestigasyon ang kinauukulang komite sa Kamara kaugnay sa procurement ng Comelec sa Smartmatic vote-counting machines na gagamitin sa May 2019 elections.
 
“Dapat sana rent-to-own na lang ano para… but what I’m saying it is their long stand that the better option is just to rent it because there is no economic sense that we will procure it and it is prone to obsolescence and of high maintenance,” giit ni Ako Bicol Rep. Alfredo Gar­bin Jr.
 
Si Buhay Rep. Lito Atienza naman ay nagpahayag na masyadong halata ang pagpabor ng Comelec sa Smartmatic.