Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P1M shabu nasamsam sa Cavite buy bust

0 234

Mahigit sa P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa dalawang hinihinalang tulak sa buy bust operation sa Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Randy Rodeo, 45, may-asawa at Angelito Clamosa, 54, may-asawa, kapwa ng Tanza Cavite.

Sa ulat, alas-9:15 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy bust ang mga elemento ng SOU 4A, PNP DEG sa pamumuno ni PLt Jeffrey Padilla, SOU 4A, PDEG at Tanza Municipal Police Station sa tapat ng SEAOIL Gas Station sa Brgy Amaya 2, Tanza, Cavite kung saan 100 gramo ng shabu ang naging transaksyon sa pagitan ng mga suspek at posuer buyer.

Nang madakip ang mga suspek, hindi lang 100 gramo ang kanilang bitbit dahil narekober din sa kanila ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,020.000. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.