Una sa Balita

P1M sa 4 na araw isinubi ni Ardina

By
0 1,212

Nakuntento lang sa se­cond si Dottie Ardina sa ginanap noong Mayo 10-13 na US$200,000 Self Regional Healthcare Foundation Women’s Health Classic sa Links at Stoney Point sa South Carolina, USA.

Sawimpalad pa rin ang 5-year Filipina pro golfer para sa una sana niyang titulo sa loob ng apat na taon sa event na nagsilbing pang-apat na torneo sa may 20 baha­ging 13th Symetra Tour 2018, at ang pangalawa pa lang niyang nilaruan ngayong taon.

May 4 na araw na hinampas ang 24-anyos na Pinay na tubong-Canlubang, Laguna sa 8-­under 280 mula sa mga linyang 72-72-68-68, iwan lang ng isang palo sa Amerikanang si Vicky Hurst (279 tapos ng 71-70-71-68) na nasungkit ang ikawalo ­niyang ST title.

Pero hindi na rin masama ang pinakita ni Ardina sa solo second, napantayan ang tie for 2nd niya sa 2015 Four Winds, at nagkaloob sa kanya ng $19,483 runner-up cash prize katumbas ng P1 milyon.