Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P1M reward vs pumatay sa rider

0 220

Higit P1 milyong na ang reward money laban sa mga killer ng rider messenger sa Valenzuela City.

Ito’y matapos magdagdag ng panibagong P600,000 pabuya ang pamahalang lungsod laban sa dalawa pang suspek. Bukod pa ito sa naunang P600,000 patong sa ulo ng mga gun men na sina Rico Reyes at Narciso Santiago.

Sila ang tinukoy na bumaril at pumatay kay Nino Luigi Hernando, 39, messenger ng isang kumpanya na tinumba nitong Oktubre 9. Sakay ng motorsiklo ang biktima nang dikitan ng tandem na sina Reyes at Santiago at binaril sa ulo, at kinuha ang bag na naglalaman ng P420,000.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kamakailan, sumuko sa Integrated Monitoring Enforcement Group (IMEG) ang dating pulis na si Michael Castro, na isa rin sa person of interest.

Sa panibagong impormasyon, lumalabas na bukod kina Reyes at Santiago, sangkot din ang dating pulis-Meycauayan na si Anthony Cubos, lider ng robbery hold-up sa Bulacan at isang babae na nagngangalang Joanne Cabatuan, siya umano ang nagbibigay ng impormasyon sa dalawang gun men sa mga lugar na madalas puntahan ng biktima.

Sa nakalap na impormasyon ng Abante, nagtanim diumano ng galit ang babae sa rider messenger, nang tumestigo ang biktima sa kasong kinasasangkutan ng live-in partner ng una na nagresulta sa pagkakakulong. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.