Una sa Balita

P1M pamumudmod sa patumbok ni Pacquiao

0 465

MAGSISILBING host si WBA ‘super’ welterweight king Manny Pacquiao sa P1 Million Valentines 10-Ball Open Championship.

Ipiniprisinta ng Manny Pacquiao Promotions sa pakikipag­tulungan nina tournament organizer Mary Grace Tambasen at tournament director Michael Feliciano, ipapatupad ang double knockout format sa torneong sasargo sa Pebrero 3-14 sa SM City sa Bacolod City.

“In billiards, boxing and chess, we can produce world champions,”­ sabi ni Tambasen.

Tutumbok sina 2017 World Pool champion Carlo Biado, 2015 Manny Pacquiao (MP) 10-Ball champion Jericho Bañares, former All Japan winner Lee Van Corteza, Johann Chua at Jeffrey Ignacio.

Nakataya sa singles event ang P150,000 champion’s purse habang maisusubi naman ng runner-up ang P75,000.

Matatangap naman ng third at fourth placer ang tig-P30,000 habang ang fifth hanggang eighth ay magbubulsa ng tig-P15,000.

Ang Registration fee sa singles event ay P2,000 habang ang entry fee para sa doubles category ay P4,000.

Sa detalye, makipag-ugnayan sa Facebook kina Tambasen at Feliciano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More