Una sa Balita

P1M multa sa Sari-Sari Store

By
0 17,866

Mahigpit na nagbabala kahapon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga sari-sari store at mini-grocery na magsasamantala sa ipina­tutupad na Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, pagmumultahin ng ahensiya ng mula P20,000 hanggang isang milyong piso ang mga negosyante, maliit man o malaki sakaling mapatunayang luma­bag sa panuntunan ng TRAIN Law.

Hindi aniya titigil ang DTI sa pagbabantay para mapanagot ang mga negosyante na magpapataw ng mataas na presyo sa kanilang mga produkto at sinasamantala ang ipinatupad na bagong batas sa pagbubuwis.

Abante Hiring – IT dep

Kaugnay nito ay binigyang-diin ni Lopez na hindi dapat ­umabot sa walong porsiyento ang taas-pasahe sa mga pampublikong mga sasakyan kahit pa tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.

Nagtalaga na rin ng mga tauhan ang DTI upang tutukan at i-mo­nitor ang mga negos­yanteng nagpapataw ng mataas na presyo sa mga ibinibentang produkto.

Ang aksyon ng DTI ay kasunod ng pagbuhos ng reklamong tinatanggap sa mga mamimili dahil sa sobrang taas ng presyo ng mga bilihin sa mga sari-sari store na takbuhan ng ating mga kababayan para sa kanilang mga pangunahing pa­ngangailangan sa bahay.

Naglabas naman ang DTI ng dapat na itataas sa presyo sa mga pa­ngunahing bilihin. Ang mga sumusunod na lehitimong dagdag presyo.

Condense milk (300ml) – 0.11
Evaporated milk (10ml) – 0.08
Detergent soap (380G) – 0.08
Toilet soap (90g) – 0.06
Canned sardines (115g) – 0.04
Coffee refill (25g) –  0.04
Coffee refill (50g) – 0.08
Powdered milk (150g)- 0.10
Instant noodles (55g) – 0.03
Loaf bread (450g) – 0.14
Meat loaf (170g) – 0.04
Corned beef (175g) – 0.07