Una sa Balita

P1M madadale sa Bingo 2020

0 349

HANGGANG P1 milyon ang maaaring mapanalunan sa ‘P1K for P1M PAGCOR Bingo 2020 event’ na gaganapin sa Casino Filipino sa Tagaytay sa Enero 25.

Sa halagang P1,000 ay may apat na card na para sa tsansang manalo ng P1 milyon sa Game 10.

Ang mga interesadong manlalaro na malayo sa main venue ay maaari ring sumali.

Magtungo lamang sa ibang Casino Filipino branch sa Angeles, Bacolod, Carmona, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Malabon, Manila Bay, Olongapo, Parkmall at Ronquillo.

Mauulit ang pa-bingo sa February 22, March 28, April 18, May 23, June 20, July 18, August 22, September 19, October 17, November 14 at December 19.
Para sa mga detalye, makipag-ugnayan sa PAGCOR Bingo Department sa 7755-3699 locals 7201-7204. Maaari ring bisitahin ang www.pagcor.ph at www.casinofilipino.ph. (AE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More