Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P1M koleksiyon ng Lazada nilimas, 4 staff kinandado

0 19

Nilimas ang mahigit isang milyong pisong koleksiyon ng Lazada Hub sa Cabanatuan City noong Sabado ng gabi makaraang tutukan at igapos ang dalawang guwardiya nito ng 4 armadong salarin.

Sa ulat ni PLt. Colonel Julius Cesar Maducdoc, alas-8:55 ng gabi nang tutukan ng baril si SG Marvin Ramos Domingo at kasama nito sa Lazada Hub sa 29th Street, Kapitan Pepe Subd., Brgy. San Josef Sur, Cabanatuan City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Xavier M. Corpuz, pinosasan umano ang 2 sekyu at iginapos ng cable wire ang dalawang empleyado at ikinandado sa main office ng niloobang establisimiyento.

Mula sa steel vault ng finance office ay natangay umano ang may P1,221,501.00 cash.

Sa pagtakas ay tinangay din ng mga salarin ang 5 cellphone ng mga iginapos at maging ang cellphone na gamit ng opisina at ang Armscor caliber 9mm pistol na may serial no. 1561782 na nakaisyu kay SG Domingo. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.