Una sa Balita

P1M kinana ng Akyat-Bahay

By
0 2

Tinatayang nasa isang milyong halaga ng cash money, US dollars, mga alahas at mga cellphone ang natangay ng mga miyembro ng Akyat-Bahay mula sa isang mag-asawa sa Calamba City, Laguna kamakalawa ng madaling-araw.

Sa pahayag sa pulisya ng mag-asawang sina Ruben Alcasid y Bertudez, 67-anyos at Marina Alcasid y Villa, 61, bandang alas-3:30 ng umaga, mahim­bing na natutulog ang dalawa sa kanilang kuwarto nang makapasok ang mga `di nakilalang suspek.

Nilimas ng mga ito ang ari-arian ng mga biktima na kinabibilangan ng $11,000, Php 230,000 cash, ibat-ibang mga alahas na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa Php 100,000, isang Michael Kors na relos, isang Iphone 7, at Samsung Note Edge.

Matapos makuha ang mga gamit, walang ingay na nakatalilis ang mga suspek.

Umaga na nang madiskubre ng mag-asawa ang pangyayari.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.