Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P1M halaga ng marijuana bricks narekober sa Benguet

0 69

Mahigit P1.6 milyong halaga ng bloke-blokeng marijuana na inabandona sa isang van patungong Tabuk City ang narekober ng Police Regional Office Cordillera noong Huwebes.

Ayon sa ulat, tinatayang 14 kilo ng marijuana bricks ang narekober ng Benguet Provincial Police Office sa van na minamaneho ni Genaro Larnsis sa Adonot, Ambuklao, Bokod, Benguet.

Nagsagawa raw si Larnsis ng routine inspection sa mga bagaheng sakay ng van nang mapansin niya ang isang kahina-hinalang karton na walang anumang marking.

Kaya naman siniyasat niya ito at nadiskibre ang bloke-blokeng marijuana. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.