Una sa Balita

P1M donasyon ni Nanay Doray

0 320

Salamat kay Police/Major Emmanuel ‘Mike’ Gomez, Chief of Police ng Solano, Nueva Vizcaya at sa Mt. Masonic Lodge 420 sa mainit na pagtanggap sa PBA Legends.

Naglaro po kami nina Bal David, Willie Miller, Eddie Laure, Allan Caidic, Marlou Aquino, Roger Yap, Pido Jarencio at Jojo Lastimosa.

Sinamahan pa kami ng tatlong import galing FEU Tamaraws mula Senegal at Nigeria.

Puro dunk at showtime ang ipinakita ng mga Aprikano. Grabe ang lalakas tumalon at ang bibilis tumakbo.

Mga bata pa ito sa edad na 18-20 yrs old. Sigurado magiging contender ang FEU Tamaraws sa susunod na season kapag sila ay nakalaro na.

***

Nagkaroon ng video presentation ang ABS-CBN in partnership with Nueva Ecija Besprens.

Ipinakita doon ang mga layunin ng pagsali ng Nueva Ecija sa NBL, sino ang mga natulungan na at mga tutulungan pa lang ng Lingkod Kapamilya Foundation.

Nasa ilalim nito ang Bantay Bata 163, Bantay Kalikasan at Operation Sagip.

Nagbigay din ng maikling pananalita si Susan Bautista Afan at Ernie Lopez para sa mainit na pagtanggap sa Team Besprens.

Tinanghal ang presscon ng pagbabalik sa National Basketball League ng Nueva Ecija Besprens ni Nanay Doray Morales at Bespren Renan Morales sa ELJ 14th floor sa ABS-CBN.

Nag-donate ng isang milyon si Nanay Doray para sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Incorporated. Siguradong maraming matutulungan ang halagang binigay ni Madam.

Dumating sina President and CEO, ABS CBN Publishing Inc. Ernie Lopez at Susan Bautista Afan, mana­ging director ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. para saksihan pag turnover ng donation.

***

Sa UAAP update, klaro na rin ang naging usapin sa sitwasyon ni promising UST player Rhenz Abando na hindi siya lilipat sa anumang team at tatapusin niya ang career niya sa UST.

Napabalitang maraming nagbabalak na kunin siya sa kampo ng UST.

Makaka-focus na ang UST at SI Coach Aldin Ayo sa kanilang kampanya para sa nalalapit na Final Four.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy