Una sa Balita

P1M alahas pinalitan ng peke, kahera arestado sa Cavite

By
0 808

BUKING ang modus operandi ng isang 31-anyos na kahera ng isang bahay sanglaan matapos na maaresto nang palitan ng peke ang mahigit na P1 mil­yon halaga ng alahas sa Indang, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Indang Custodial Center ang suspek na si Manilyn Grijaldo, cashier ng Jaro Pawnshop, Indang, Cavite branch at residente ng Phase III-B Carissa Homes, Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite, dahil sa reklamo ni Roselito Jaro, auditor at representative ng pawnshop.

Sa report ni PO2 Bryan Jay Comia ng Indang Municipal Station, dakong alas-3:30 nang hapon nang nagtungo si Jaro sa police station at nagreklamo hinggil sa nadiskubre nilang anomalya sa kanilang pawnshop branch sa Brgy. Poblacion 3, Indang, Cavite kung saan iningusong suspek ang kanilang kahera.

Abante Hiring – IT dep

Nauna dito, dakong alas-10:15 nang umaga nang magsagawa ng audit sa nasabing branch dahil sa natanggap nilang impormasyon na peke ang mga alahas na nasa loob ng kanilang vault.

Base sa kanilang audit, lumalabas na peke ang lahat ng mga alahas na nasa vault na nagkakahalaga ng P1,607,800 matapos na palitan ito ni Grijaldo ng mga peke.