Una sa Balita

P1K sa P1M ng Pagcor bingo sa Pebrero 22

0 275

LIMPAK-LIMPAK na cash prizes ang naghihintay sa mga tumatangkilik ng bingo sa ikalawang pagdaraos ng “P1K for P1M” Pagcor-wide linked bingo game sa darating na Pebrero 22, sa Casino Filipino Manila Bay sa Rizal Park Hotel, Ermita, Manila.

Matapos ang unang matagumpay nitong E­nero 25, magkakaroong muli ng tsansa ang mga bingo player para maiuwi ang premyo ng Game 10 sa halagang P1,000. Bawat ticket ay kapalit na apat na cards per game para sa 10 games.

Halangang P100,000 cash prize ang nakataya para sa Games 1 to 9 na magsisimula alas-dos nang hapon.

Sa mga interesadong lumahok, maaaring maglaro sa CF Manila Bay o kahit saang nga sangay CF sa Angeles, Bacolod, Carmona, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Malabon, Olongapo, Parkmall (Cebu), Ronquillo (Manila), Tagaytay and Talisay (Cebu).
Bukod sa Pebrero 22 na laro, nakatakda rin ang ‘P1K for P1M’ sa March 28, April 18, May 23, June 13, July 18, August 22, September 26, October 17, November 14 at December 19.

Sa karagdagang impormasyon, tumawag lang sa Pagcor Bingo Department 7755-3699 locals 7201 hanggang 7204 o bumisita sa website na www.pagcor.ph at www.casinofilipino.ph. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More