Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P1B ibubuhos sa mga tsuper

0 103

Nagdesisyon ang economic managers ni Pangulong Duterte sa Development Budget Coordination Committee na maglaan ng P1 bilyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para ibigay na ayuda sa 178,000 public utility vehicle drivers sa susunod na mga buwan.

Ang P1 bilyon, kung ibibigay ng buo sa mga driver, ay papatak lamang sa P5,618 kada driver ngayon taon. Kung buwanan ito ibibigay, P2,809 ito kada driver sa Nobyembre at sa Disyembre o P702 kada linggo hanggang sa katapusan ng taon.

Lumalawak na ang panawagan sa administrasyong Duterte na isuspinde ang koleksiyon ng excise tax sa mga productong petrolyo dahil nasa P20 per liter na ang tinaas ng presyo nito ngayong taon at higit na ramdam ito ng mga tao nitong nakaraang dalawang buwan dahil linggo-linggo ang pagtaas nito.

Ayon sa statement ng DBCC, ang P1 bilyon ay kukuhanin sa unprogrammed appropriations na pangsuporta sa mga infrastructure projects at social programs. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.