Una sa Balita

P19B Kaliwa Dam project pinalagan ng Simbahan

Last Part

By
0 364

Alternatibo

Kumbinsido rin ang mga miyembro ng Simbahang Katolika na hindi na kailangan ang dagdag na dam sa kanilang lalawigan dahil sapat naman ang 4,000 million liters per day (mld) na sinu-supply na  tubig ng Angat at Ipo dam para sa mga residente ng Metro Manila.

Sinasabi lang umano ng ilan na kulang ang ibinibigay na supply ng dam dahil malaking porsyento nito ang nawawala dahil sa mga pagtagas.

Dahil sa nakalulula umanong budget para sa Kaliwa Dam, umapela ang grupo nina Cortez sa gobyerno na tumingin ng iba pang alternatibo para pagkunan ng supply ng tubig.

Sinabi nila na sa halip na gumastos ang gobyerno ng halos P19 bilyon para sa balak na Kaliwa Dam, mas makabubuting isaayos na lang ang Pasig-Laguna River Basin na gagastusan lang ng P13 bilyon para sa rehabilitasyon.

Nanawagan din ang mga obispo sa pamahalaang Duterte na maglunsad ng malawakang education campaign para kumbinsihin at turuan ang 13 milyong residente sa Metro Manila ukol sa pagtitipid at wastong paggamit ng tubig.

“This would reduce water consumption significantly. This could be bad news for business but best for the environment,” giit ni Cortez.

Sa halip na gawing negosyo ang pagtatayo ng dam, sinabi ng obispo na dapat i-prayo­ridad ng pamahalaan ang pagbibigay ng proteksyon sa ating mga kagubatan dahil ito ang nagsisilbing pinakamalawak na watershed ng bansa.

“We encourage all to ‘rethink how to use water’ in terms of the demand-side and consumption and protect our environment,”  pagtatapos ng obispo.