Una sa Balita

P190M multa sa Uber; take it or leave it – LTFRB

By
0 5

Nagpaliwanag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) patungkol sa P190 milyong multa na sinisingil sa Uber kapalit ng pagbawi sa kanilang suspensyon.

Ayon kay LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, ang halaga ng multa ay ibinatay umano sa average na daily earnings ng transport network company (TNC).

Paliwanag ni Lazada, naglalaro sa P7 milyon hanggang P10 milyon ang kinikita ng Uber kada araw.

Abante Hiring – IT dep

Kinuha ang 25-percent share mula sa booking fees sa kanilang partner-drivers at hinati sa average na 150,000 daily trips.

Una rito, pinagbigyan ng LTFRB ang hiling ng Uber na bawiin ang suspensyon sa kanilang operasyon pero kailangang magbayad ng P190M na multa, malayo sa alok na P10M ng kumpanya.

Sinabi ni Lizada na kung talagang desidido ang Uber na bumalik sa operasyon, kailangang bayaran ang hinihinging fine ng LTFRB.

Hangga’t hindi magbabayad ng P190M ang Uber, tuloy ang isang buwang suspension at kailangang ituloy ng kumpanya ang pagbibigay ng financial assistance sa mga apektadong driver.