Una sa Balita

P17.8B budget ng Maynila ipinasa

0 539

Aprubado na ang P17.8 bilyong budget ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa susunod na taon matapos na lagdaan ni Mayor Isko Moreno ang City Ordinance No. 8585 para sa 2020 executive budget.

Nabatid na ang ina­prubahang pondo na P17,857,086,146 ang pinakamalaking budget na ipinasa ng Manila City Council.

Nadagdagan ang 2020 budget ng mahigit na P2.9 bilyon kumpara ngayong 2019 na higit P14 bilyon.

Ayon sa alokasyon, tatanggap ng pinakamataas na pondo ang social services na nagkakahalaga ng P8,529,942,113 o katumbas ng 48% ng kabuuang budget.
Naglaan naman ng halagang P300,473,186 para Universidad de Manila (UdM) at P145,490,000 sa Pamantasa ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Samantala, tatanggap naman ng P130,161,037 ang iba pang paaralang pampubliko sa Maynila para sa isang taon sa kanilang operational requirements.

May kabuuang halaga na P350,000,000 ang inilaan para sa peace and order program ng lungsod at P742,590,482 para sa local disaster risk reduction and management program.

Pinakamalaking budget ang natanggap ng Manila Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa halagang P1,865,689,579. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More