Una sa Balita

P16M multa barya lang sa Grab

0 459

PINAGMUMULTA ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab Philippines ng P16.5 milyon dahil sa pag­labag nito sa price at service quality commitments.

Sa loob ng isang taong monitoring ng PCC, umaabot na sa P39.6 milyon ang multa sa Grab Philippines dahil sa paglabag nito sa commitments sa komisyon nang binili nito ang Uber at nawalan na ng kompetisyon sa mga ride-hailing app.

Sabi ni PCC chair Arsenio Balisacan, malaki ang ipinagbago sa ride-hailing market simula nang bilhin ng Grab ang Uber at ang mga commitment ay inilagay para maibalik ang merkado sa lagay nito bago ang merger para disiplinahin ang may monopolyo ng merkado ngayon.

Depende sa commitment na hindi sinunod, pinagmumulta ang Grab Philippines ng P50,000 hanggang P2 milyon sa bawat paglabag.

Para sa fourth quarter ng undertaking, P14.15 milyon ang multa dahil malayo ito sa pinagkasunduan nila sa PCC sa pagdating sa presyuhan at P2 milyon dahil sa driver cancellations na umabot na sa 7.76% samantalang 5% ang kanilang napagkasunduan. Ang P14.15 milyon na multa ay ibabalik sa mga pasaherong ginamit ang app mula May 11 hanggang Agosto 20 ngayong taon na makikita nila bilang rebate sa GrabPay credit.

“More than a year after the Grab-Uber merger, the PCC instituted these measures to address the persistent impact of a virtual monopoly in this sector. The game-changer, however, will come in the form of a new player with strong financial muscle to enter the ride-hailing market and an environment that allows existing players to grow. Until then, the commitments stand for the benefit of the riding public,” sabi ni Balisacan.

Sabi ng Grab Philippines, susundin nito ang kautusan ng PCC at ire-refund ang mga pasahero bago sumapit ang February 10, 2020. Ang karagdagang P2 milyon naman ay babayaran nito sa PCC.

Sabi ng Grab Philippines, kapwa kinikilala ng Grab at ng PCC na ang tinatawag na fare-in-range monito­ring scheme ay napaka-technical at hindi angkop sa kasalukuyang kalagayan ng merkado. Gayun pa man, sa kabila ng kakulangan ng mga transport network companies, ang luma­lalang traffic, at dumadaming pasahero, sinabi ng Grab Philippines na ang pamasahe nito ay sang ayon pa rin sa fare matrix ng Land Transportation Franchising Regulatory Board.

Hindi naman kuntento ang mga netizen sa halaga ng multang pinataw laban sa Grab dahil sa maitutu­ring na barya lang ito sa kanila.

“Kinda useless fine because I’m pretty sure they can make that amount in 1 week,” ayon sa isang netizen.

Duda naman ang iba kung napupunta sa mga pasahero ang mga naunang pinag utos na refund. (Eileen Mencias)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More