Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P16M marijuana nasamsam sa Isabela

0 74

Nakumpiska ng kapulisan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P16 milyong halaga ng high grade marijuana sa dalawang suspek sa Barangay Abut, bayan ng Quezon, Isabela noong Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina Anwar Sindatoc, 54, at Elson Cabunyag, 43-anyos, kapwa taga-Metro Manila.

Sa report ng Isabela Police nakatanggap sila ng ulat na ang dalawang high value target ay namataan sa lugar kung kaya’t nagsagawa ito ng buy-bust.

SM food to go Banner Ad

Inaresto ang dalawa nang iabot ang marijuana sa undercover agent sa ginawang transaksyon sa isang Toyota High-Ace.

Sasampahan na ang mga suspek ng kaukulag kaso. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.