Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P166M 6/45 lotto jackpot nasolo ng Bulakenyo

0 356

Wagi ang isang mananaya mula sa Marilao, Bulacan ng mahigit P166 milyon jackpot prize sa lotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Marzan Garma, nakuha ng mananaya ang winning combination na 34-11-06-24-25-39 na may kabuuang premyong P166,546,579.20.

Mayroong 34 mananaya naman ang nanalo ng tig-P32,000 matapos makuha ang lima sa anim na winning number combination.

Saad pa ni Garma na maaring kunin ng winning bettor ang kanyang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City at magdala lang ng dalawang valid ID at ang winning number ticket.

Samantala, wala namang nanalo sa 6/55 draw na may winning combination na 50-07-55-25-36-28, kung saan aabot nasa mahigit P44 milyon na ang premyo.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.