Una sa Balita

P163M shabu nakumpiska sa Caloocan, Manila buy-bust

By ,
0 1,909

Umaabot sa 24 kilo ng shabu na may street value na P163 milyon ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng Caloocan City Police Station Drug Enforcement Unit kamakalawa sa Sta. Ana, Maynila.

Kahapon ay iprinisinta sa media sa isang press conference sa Camp Crame ni Phi­lippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Alba­yalde ang mga shabu na pinaniniwalaang nagmula pa sa China.

Ayon kay Albayalde, isang buy-bust operation ang isinagawa ng Drug Enforcement Unit ng Caloocan City police laban sa mga suspek na sina Luzviminda Basilio at Jocelyn Santos sa Manila Central University kamakalawa nang tanghali.

Makalipas ang ilang oras ay isang follow-up operation pa ang isinagawa ng operatiba sa No. 2641 Interior 21 Pasig Line sa Barangay 778, Zone 85 sa Sta. Ana, Maynila na ikinaaresto ng mag-inang Ruby Calabio, 61, sat anak na si Ian Akira Calabio, 26-anyos.

Nakuha sa mag-ina ang tinatayang 24 kilo ng shabu na nakalagay sa isang kulay silver na maleta.