Una sa Balita

P161B lugi ng ‘Pinas sa kalakalan

0 509

MAHIGIT sa P161.5 bilyon na revenue ang nawawala sa kaban ng gobyerno mula sa trading partners ng bansa dahil sa mga leakage noong 2017, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sa budget deliberation ng Senado sa panukalang 2020 budget, ibinunyag ni Lacson ang leakag­e kaugnay ng mga inangkat na produkto mula sa ibang bansa.

Batay umano sa datos ng World Integrated Trade Solution ng World Bank, sinabi doon na P10.7 bil­yong tax revenue ang nawawala sa kita ng gobyerno mula sa mga produktong inaangkat sa South Korea.

Umangkat umano ang South Korea sa Pilipinas noong 2017 ng halagang US$10.5 billion subalit $8.8 bilyon lang ang inangkat ng Pilipinas sa nasabing bansa.

“So meron kang difference or discrepancy na US$1.7 billion or P89 billion times 12 percent VAT (value added tax), nawalan na naman tayo ng 10.7 billion,” paliwanag ni lacson.

Nagkaroon din umano ng revenue loss ang bansa na mahigit P4.757 bilyon mula sa inangkat na produkto sa Hong Kong.

Mahigit P857 naman ang nawala sa Pilipinas mula sa importasyon sa Estados Unidos.

Umabot naman sa P82 bilyon tax revenue ang nawawala sa kita ng gobyerno mula sa mga imported na Chinese product.

“To sum it all up… wala pa ‘yung sa Middle East, wala pa ‘yung ibang country, ito lang ‘yung mga big trading partners natin, ang revenue loss natin o leakag­e—and this involves tax administration—P161.5 billion,” ani Lacson. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy