Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P150K pekeng pera pinaiikot ng tulak

0 95

PINANINIWALAANG pekeng pera ang pinapaikot at pinambibili ng droga ng isang hinihinalang drug pusher nang nasamsam sa kanya ang tinatayang P150K halaga ng pekeng bills sa isinagawang buy bust operation sa Imus City, Cavite.

Bukod sa RA 9165, sinampahan din ng kasong paglabag sa Counterfeit Money ang suspek na si Sahim Bensami, 32, may-asawa, ng Brgy Malagsang 1B, Imus City, Cavite.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni PSMSgt Robrto Lacasa, ng Imus City Polic Station, dakong alas-8:000 Lunes ng gabi nang isagawa ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Imus CPS at PDEA 4A ang buy bust operation sa Brgy. Malagsang 1B ng naturang Lungsod kung saan target ang suspek.

Sa pagkakaaresto sa suspek, bukod sa hinihinalang sachet ng shabu na narekober sa kanya ay nakunan din ito ng 15 piraso na tig-P1,000 na pekeng pera o kabuuang P150,000. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.