Una sa Balita

P15.6M ginto natangay sa Benguet

0 341

AABOT sa P15.6 milyon na halaga ng ginto ang tinangay ng apat na hindi nakikilalang suspek matapos holdapin ang isang sasakyan sa Sitio Bagingey, Brgy. Poblacion, Itogon, Benguet kahapon.

Ayon sa report ng Itogon Municipal Police Station (IMPS) nasa loob ng sasakyan ang mga biktima na sina Radito Quito, driver at Benny Canor, isang accounting escort, at may mga dalang anim na gold button o ginto.

Sa salaysay ng mga biktima sa IMPS, napansin nila na may humarang na bato sa kanilang daan at nabigla sila sa apat na mga suspek na armado ng baril at nagdeklara na hold-up.

Ayon sa mga biktima, kinuha ng mga suspek ang mga kagamitan ang susi ng kanilang service car at tumakas patungong Dalicno, Ampucao, Itogon.

Dito, tumawag ang guwardiya ng Itogon Suyoc Resources Incorporated sa Sitio Trese, Poblacion, Itogon, Benguet sa IMPS na may nangyaring hold-up sa nasabing lugar.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya para sa pag-aresto sa mga suspek.

Tinitingnan sa imbestigasyon kung may nangyaring inside job sa nangyaring pagnanakaw. (A­llan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy