Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P14M shabu kumpiskado sa Negros

0 193

Arestado ang isang high value target na drug pusher habang aabot sa mahigit dalawang kilo ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation, Lunes ng hapon sa San Carlos City, Negros Occidental.

Kinilala ang nadakip na si Emmanuel Siaboc alyas Eman, 31, residente ng Burgos St., San Carlos City.

SM food to go Banner Ad

Nakumpiska sa kanya ang shabu na may kabuuang halagang P13,940,000 dakong alas-2:45 ng hapon sa 2nd Street, St. Vincent Subd, Barangay 1 ng nasabing lungsod habang nakatakas ang kasama niyang si William Alones.

Ayon sa pulisya, si Siaboc ang isa sa pinakamalaking tulak ng iligal na droga na nag-o-operate sa San Carlos City at mga karatig lugar.

Nakapiit siya ngayon sa San Carlos City PNP habang nagkasa ng manhunt operation laban kay Alones. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.