Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P14K ninenok sa dalaga ng katrabaho

0 128

TINUTUGIS ng Cavite police ang isang welder makaraang umano’y itakbo nito ang halos P14K o kabuuang P13,900 cash at gamit ng kanyang katrabaho sa Bacoor City, Cavite, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Ang pinaghahanap ay si June Perez, 54, may-asawa, ng Montavilla Rodriguez, Rizal matapos akusahan ng biktimang si Andrea Ramiro, 28, dalaga, isa ring welder, taga-Bacoor City, Cavite.

Sa reklamo ni Ramiro kay PSSgt Emerson de Ocampo ng Bacoor City Police Station, alas-4:20 noong Miyerkules ng hapon nang matuklasan niyang nawawala ang kanyang P10,000 cash, travelling bag na nagkakahalaga ng P1,200, pouch bag (P800), tribal t-shirt (P1,400) at pabago na nagkakahalga ng P500 o kabuuang halaga na P13,900 na nakalagay sa kanyang locker sa loob ng kanilang bahay.

Dagdag pa ng biktima, ginamitan ito ng suspek ng martilyo upang sirain ang padlock nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.