Una sa Balita

P14.3M para sa robe ni Ali

By
0 2,682

KURSUNADA mo ba ang robe ni Muhammad Ali na isinuot niya sa kanyang world-famous ‘phantom punch’ taong 1965 kontra Sonny Liston?

Puwes, maghanda ka na ng bulto-bultong pera.

Ilalagay sa bentahan ng Goldin Auctions ang historic ringwear ni Ali mula sa starting bid na US$75k at inaasahang papalo ito nang hindi bababa sa US$275,000 o lampas P14.3 milyon.

Ang naturang rematch ni Ali kontra Liston ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaking laban sa tinaguriang ‘The Greatest’ career.

Unang laban din ito ng boksingero matapos maging Black Muslim at tawagin ang sarili bilang Muhammad Ali at talikuran ang dating pangalan na Cassius Clay.

“The historical significance of this robe is tremendous, not just for its link to one of the greatest fights in boxing history, but also for the cultural impact Ali’s religious beliefs made,” ayon sa Goldin Auctions sa pana­yam ng TMZ Sports.

Sa naturang laban din umusbong ang isa sa mga iconic image sa boxing sports history kung saan makikitang nakatayo si Ali sa iba­baw ni Liston matapos niya itong pagulungin sa lona kasunod ng kanyang ‘phantom punch.’ (Ferdz Delos Santos)