Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P13B pa-refund ng ERC kapos! Meralco pasukahin pa sa P15B atraso

0 79

PINASOSOLI sa Manila Electric Company (Meralco) ang P15.1 bilyong sobrang siningil sa mga kustomer nito maliban sa P13.9 bilyong ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang P13.9 bilyon na ipinag-utos isoli ng ERC ay bahagi lamang umano ng P29 bilyon sobrang nasingil sa mga kustomer ng Meralco mula 2013 hanggang 2018.

“Huwag sana itong maging kaso na ibinigay ang mas maliit na refund para itago ang mas malaki pa na dapat ibalik sa mga konsyumer,” ani Zarate.

Sa pag-aaral ng Bayan Muna at konsumer watchdog na Matuwid na Singil sa Kuryente (MSK) madiskubre umano ang modus ng Meralco na nagreresulta sa sobrang singil sa mga kustomer nito.

SM food to go Banner Ad

Ang sinisingil na distribution rate ng Meralco na P1.38/kilowatt hour ay nakabatay umano sa pagbebenta ng 30 bilyon kWh noong 2013.

Dapat din umanong ipaliwanag ng Meralco ang pagkakaiba ng iniulat nitong dami ng naibentang kuryente sa ERC at sa opis­yal na financial statement na isinumite sa mga stockholders. Ang diperensya ay nagkakahalaga ng P66 bilyon.

Nagtataka si Zarate kung papaano nangyari na mas maraming naibentang kuryente ang Meralco kaysa sa kinuha nitong kuryente sa mga planta.

Ipinasusuri rin ang pagbabayad ng P4.05 bilyon ng Meralco sa Quezon Power upang matiyak na tama ang halagang ito.(Billy Begas/Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.