Una sa Balita

P12M puslit na sibuyas nasabat ng BOC

By
0 130

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang P12 milyong halaga ng puslit na sibuyas sa Manila International Container Port (MICP).

Ang shipment na laman ng anim na 40-footer container ay ininspeksyon ni BOC Commissioner Isidro Lapeña.

Ayon kay X-ray Inspection Project (XIP) Office Chief Atty. Zsae Carrie de Guzman, idineklara ang shipment na galing ng China bilang mga sariwang mansanas.

Dumating ang mga kargamento noong Agosto 14 at ito ay naka-consign sa ASD Total Packages Enterprises Incorporated.
Kaugnay nito, sinabi ni Lapeña na kaagad inirekomenda ng XIP Office ang pagpapalabas ng alert order sa Office of the District Collector ng MICP.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act laban sa may-ari ng ASD Total Packages Enterprises Incorporated at laban sa Customs broker na si Michael Miranda Su­mile na nagproseso ng shipment.

Mahaharap din umano sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.