Una sa Balita

P126M Grand Lotto jackpot hagip ng 2 mananaya

By
0 1,783

MAY dalawang bagong milyonaryo sa bansa ma­tapos madale ang P126 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 draw noong Sabado nang gabi.

Natumbok ng dalawang mananaya ang winning numbers na 12-55-10-05-43-19.

Umaabot sa P126,181,744 ang paghahatian ng dala­wang nanalong mananaya, pero kailangan pang kaltasin dito ang 20 por­si­yento na excise tax dahil sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Hindi naman binanggit ng Philippine Charit­y Sweepstakes Office (PCSO), kung saang lotto outlet tinayaan ang winnin­g numbers.

Wala namang nanalo noong Sabado sa mga lumabas na numerong 16-38-18-08-04-29 ng 6/42 lotto draw na may jackpot na P9,451,202.

Samantala, higit sa 100 milyong piso din ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw kagabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy