Una sa Balita

P126k suweldo ng POGO worker

0 359

HABANG nagdurusa ang mga Pinoy sa maliit na suweldo, nagla­lakihan naman ang suweldo at magarbong benepisyo sa mga Chinese na nagtatrabaho sa mga Phili­ppine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon sa artikulong lumabas sa South China Morning Post, inaalok ng recruiter ang mga Chinese ng suweldong 10,000 yuan kada buwan sa unang taon at itataas sa 14,000 yuan. Sa ikalawa at ikatlong taon, itataas naman ito at 17,000 yuan o katumbas ng P126,000.00.

May libreng pabahay at pagkain din sila. Titira sila sa condominium, limang beses na kakain bawat araw at may 15 araw na leave kada taon na may kasamang libreng tiket para makapagbakasyon sa China.

Hindi rin requirement na nakakapagsalita sila ng English dahil ang mga kasamahan nila sa trabaho ay mga Chinese. Hindi rin kailangan na nakapagtapos sila ng kolehiyo.

Ayon sa report, marami ang kumakagat sa offer dahil sa laki ng sahod at mga benepisyo.

Sa ulat ng National Bureau of Statistics ng China, ang average na kita ng mga Chinese ay 3,813 yuan lamang kada buwan.

Simula nang basbasan ng Phili­ppine Amusement and Gaming Corporation ang operasyon ng mga POGO sa bansa, lumobo na sa 57 ang nag-o-operate.

Umabot na rin sa higit 100,000 Chinese ang umano’y nagtatrabaho sa offshore gaming operator pero maliit na bahagi lamang nila ang nagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Umaasa ang administrasyong Duterte na makakalikom sila ng P2 bilyon kada buwan sa pagkolekta ng buwis sa mga POGO worker, pero sa inisyal na kampanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), higit sa P200 milyon pa lamang ang nakokolekta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy