Una sa Balita

P125M puslit na bigas nasabat ng BOC

By
0 1,111

Tinatayang P125 milyong halaga ng mga smuggled rice, na umabot sa 60,000 sako, ang nasamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Zamboanga Sibugay at ipinasa sa Bureau of Customs (BOC).

Pinangunahan ni PCG Captain Ronie Gil Galvan ang turn over sa mga bigas kay Customs Commissioner Isidro Lapeña sa Port of Zamboang­a noong Miyerkoles.

Ang mga kontrabando ay nahuli habang nagsasagawa ng regular maritime security and inspection ang PCG-District South Western Mindanao, nang mapansin ang kahina-hinalang pagdaong ng barkong MV J-Phia, na may sakay na puslit na bigas sa Licum Banks sa Zamboanga.

Agad na sinuri ang laman ng barko at kalaunan ay hinuli, nang mabigong makapagpakita ang kapitan na si Rogelio Necessario ng mga sertipiko ng kaligtasan, mga dokumento sa pagpapadala at import permit.

Sa inisyal na imbestigasyon sa kapitan ng barko, huling port of call nito ay sa Cagayan de Oro ngunit walang record ng pag-alis ang ipinakita, ayon sa PCG.

Kaya pinaniniwalaan na ang barko ay galing sa Vietnam at inilipat ang iligal na cargo sa Sulu.

“The custody of the seized cargo is now in the Bureau of Customs, we will conduct further investigation to know the real origin of the smuggled rice, the sender, and the consignee if it is really intended for consumption in the Philippines,” ani Lapeña.

Mahaharap sa kasong smuggling ang may-ari ng barko at cargo dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act and Anti-Agricultural Smuggling Act.