Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P11M marijuana sa Sulu winasak

0 73

Sinira ng mga tropa ng pamahalaan ang nasa P11 milyong halaga ng mga marijuana plant sa apat na plantasyon sa Sulu.

Tatlo ang inaresto sa operasyon na isinagawa sa Barangay Lingah sa Luuk, Sulu: sina Atimula Jaharin at Bakil Kadil na nangangalaga sa pananim, at isa pa na kinilala lamang na ‘Bakil’, may-ari ng tatlong plantasyon.

Ang apat na marijuana plantation ay winasak noong Miyerkoles sa magkakaibang lokasyon sa Barangay Lingah, ayon kay Col. Jaime Mojica, Sulu acting provincial police director.

Ayon kay Mojica, may 10,000 field grade marijuana plant na may P2 milyong halaga ang nasira nila sa Barangay Lingah. Nakakuha rin umano sila ng M-16 rifle.

Matapos ang ilang minuto, kinumpirma ni Col. Hernanie Songano, 4th Marine Brigade commander, na winasak din nila ang marijuana plantations sa Sitio Tangan-Tangan, Barangay Lingah.

Nasa 11,000 fully-grown marijuana plant ang sinira nila na nagkakahalaga ng P9.5 milyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.