Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P11M marijuana nasamsam sa Mountain Province

0 85

Nakumpiska ng mga awtoridad ang aabot sa 100 kilo ng hinihinalang marijuana na may street value na P11,880,000 sa isang lalaki na sinita dahil sa kawalan ng travel authority at medical certificate sa Bauko, Mountain Province, Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, pinara nila ang van na minamanaheo ng nakilalang si Rexton Bangang, 45-anyos. Inalam ng mga awtoridad kung mayroon itong kinakailangang dokumento kaugnay ng umiiral na quarantine, gayunman wala itong naipakita sa mga awtoridad kaya agad siyang pinababa sa sasakyan.

Nang inspeksyunin ang van, nakita ang kahina-hinalang kargamento at nang buksan dito na bumulaga sa mga awtoridad ang mga bloke ng marijuana na nilagay sa apat na kahon at isang sako.

Hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Mountain Province ang marijuana habang sasampahan naman ng kaukulang kaso ang driver na nakilalang si Rexton Bangang, 45-anyos, na hinihinalang kasabwat ng sindikato ng iligal na droga sa Luzon. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.