Una sa Balita

P11K salary hike ng mga gov’t nurse tiyak na

0 262

TIYAK nang makakatanggap ng P11,300 buwanang umento sa sahod ang mga government nurse simula ngayong Enero, ayon kay Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor.

Binanggit ni Defensor na nakapaloob sa P4.1 trilyong budget ngayong taon ang probisyon na nag-oobliga sa gobyerno na ibi­gay ang pay increase sa mga nurse “in compliance with the decision of the Supreme Court in Ang Nars Party-list vs Executive Secretary, G.R. No. 215746 pursuant to Section 32 of Republic Act (RA) No. 9173 (Philippine Nursing Act of 2002).”

Ayon sa mambabatas, tiniyak ng mga lider ng Kamara na may pagkukunan ng pondo para matiyak ang implementasyon ng SC decision sa tamang pasuweldo sa mga government nurse.

Kasabay nito ay nanawagan naman si Defensor sa Department of Labor and Employment na itak­da ang monthly minimum pay ng mga nurse sa pribadong sektor sa halagang P32,053.

“The DOLE – through the regional tripartite wages and productivity boards – is fully empo­wered to fix the minimum pay of all workers along industry lines or levels, including nurses in private hospitals, clinics, diagnostic centers and similar settings,” ayon sa mambabatas. (JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More