Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P11B droga sinira ng NBI, PDEA

0 59

Sinira ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P11 bilyong halaga ng shabu na kanilang nakumpiska sa Infanta, Quezon noong Marso 15, 2022.

Ayon kay NBI director Eric Distror, ibinigay nila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 80 nakasarang kahon na naglalaman ng shabu at sinira ito ng Integrated Waste Management Inc., sa Trece Martires sa Cavite kahapon ng umaga alinsunod sa utos ng Trece Martires Regional Trial Court (RTC) noong Hunyo 2.

Sinaksihan ng anim na NBI-Forensic Chemistry personnel ang nasabing proseso kung saan kabilang ang mga NBI chemist sa naglagay ng mga droga sa pyrolysis machine.

Sa pakikipag-ugnayan sa pulisya sa Infanta, Quezon at PDEA Lucena, nasabat ng NBI ang P11 bilyong halaga ng shabu sa isang operasyon sa Brgy. Comon habang inilululan ang mga ito sa tatlong van ng naarestong 10 suspek noong Marso 15. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.