Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P10M smuggled yosi nasabat sa Misamis, Zambo

0 153

Tinatayang P8 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental habang P2.4 milyon naman ng nasabing kontrabando ang nasamsam sa Zamboanga Peninsula.

Nakalap ang impormasyon mula sa Intelligence Group at ayon kay Attorney Elvira Cruz, district collector sa Cagayan de Oro, na may nakaimbak na bulto-bultong sigarilyo na walang kaukulang dokumento na nakapangalan sa isang Ceri Rey Viola.

Mula umano sa China ang mga kontrabado at idineklarang `furniture’ subalit nang kalkalin ng BOC ay mga sigarilyong `Titan’ ang kanilang nadiskubre.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang may-ari ng kargamento.

Samantala, nasa P2.4 milyong sigarilyo ang nasabat sa Zamboanga Peninsula dahil na rin sa sunod-sunod na operasyon ng mga awtoridad.

Ayon kay Police Regional Office director Brig. Gen. Franco Simborio, sunod-sunod ang mga nahuli nilang kontrabando kung saan ay walang maipakitang dokumento ang mga suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.