Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P10M shabu sa tsaa buking ng pulis-Cebu

0 109

Nasa P10 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa tea bag, ang nasabat ng pulisya mula sa dalawang suspek sa Barangay Casili sa Consolacion, Cebu kamakalawa.

Ayon sa Consolacion Police, arestado sa buy-bust operation ang 26-anyos na high value target at 27-anyos na babae.

Iba-ibang size ng tea bag ang nakuha at may bigat na higit 1.5 kilo na itinago pa sa loob ng isang Chinese Tea packaging bag.

Posible umanong sa Cebu City galing ang shabu. Matagal na rin umanong minamanmanan ang mga suspek, ayon sa mga awtoridad.

Inaalam na ngayon kung ang mga suspek ay bahagi ng drug group sa Mindanao.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.