Una sa Balita

P10M PPE, medical supply bigay ng US military sa PH

0 411

Mahigit P10 milyong halaga pa ng mga personal protective equipment (PPE) at medical supply ang ipinagkaloob ng United States military para magamit ng mga frontliner sa 10 ospital sa bansa sa pakikipagtulungan ng hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Ang nabanggit na mga donasyon ay karagdagan mula sa mga nauna nang COVID-19 assistance ng Amerika sa Pilipinas na umabot na ngayon sa mahigit P780 milyon kabuuang halaga.

Dineliber ang mga PPE at medical supply sa pamamagitan ng US Embassy at Department of Health.

Ipinagkaloob ito sa mga medical clinic mula Luzon hanggang Mindanao bilang suporta sa mga frontliner sa COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon commander Lt. Gen. Ramiro Manuel Rey sa donasyon ng Amerika na isang patunay aniyang mayroong katatagan sa pagkakaisa.

Ibabahagi ang mga donasyong medical supply sa mga medical clinic, hospital, at mga lokal na tanggapan ng DOH sa Palawan, Isabela, Tarlac, Laguna, Bataan, Bulacan, Sulu, Zamboanga del Sur, Maguindanao, at Basilan.

Kabilang sa mga medical supply ay disposable glove, mask, medical clothing, iba’t ibang klase ng pang-proteksyon sa mukha, at mga medical equipment katulad ng infrared thermometer.

“With this effort, we are trying to do our part to provide the heroes of this fight, the medical professionals, with the necessary tools that they need to protect their fellow workers and citizens. Times like these show the strength of our friendship, partnership, and alliance as we work together to combat this virus,” pahayag naman ni Captain Tim Johnson, team leader ng Civil Military Support Element–Philippines.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More