Una sa Balita

P10K street light tinarget ng purdoy na bagets

0 431

WALANG maisip na pagkakakitaan kaya pinagtripan ng isang 16-anyos na binataliyo ang isang street light na ibenta subalit naaktuhan ito ng mga barangay tanod sa Dasmarinas City, Cavite.

Nasa kustodiya ngayon ng Dasmarinas City Social Welfare Development ang suspek na si Natoy ng Bulihan Silang, Cavite.

Sa ulat ni PMSgt Rolando Paulo Figueroa, ng Dasmarinas City Police Station, alas-6:50 ng Martes ng hapon nang maaktuhan ang suspek habang binabato nito hanggang sa matanggal ang isang LED street light sa Greenwoods Subd., , Brgy Paliparan 1, Dasmarinas City, Cavite.

Nauna dito, sinamantala ng suspek na tahimik na sa lugar dahil sa ipinapatupad na community quarantine. Kumuha ito ng bato at pinuntirya ang isang LED light na nagkakahalagang P10,000 na nakakabit sa kahabaan ng lugar hanggang sa nalaglag ito.

Tiyempo namang nagpagpapatrulya ang mga Barangay Tanod ng Brgy Paliparan 1 ng naturang Lungsod na sina BT Dante Sarmineto at Ernie Dioquino na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Ayon kay Figueroa, basag na yung LED light pero target ng suspek ang kaha ng lagayan ng LED na isang alloy na umano’y mahal kung ibenta ito. (Gene Adsuara)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More