Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P10K singil! Swab test lab sa NAIA kinandado

0 164

Binisto ng opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang isang laboratoryo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na malaki kung maningil para sa COVID-19 test ng mga Pinoy na dumadating sa Pilipinas.

Ayon kay DOTr Undersecretary Raul del Rosario, kaagad nilang pinatigil ang private laboratory na tinawag na Philippine Airport Diagnostic matapos na malamang umaabot sa P10,000 ang singil nito para sa swab test.

“Totoo po `yon nag-offer po siya ng P7,000 para sa 24 hours [na turnaround time] at P10,000 para sa 12 hours. Pero antimano po noong nalaman ito ng One-Stop-Shop, pinatigil natin ‘yan,” pahayag ni Del Rosario sa panayam sa radyo.

Aniya, nasa P4,000 lang ang singil para sa COVID-19 test sa naturang paliparan.

Nilinaw din ni Del Rosario na libre ang swab test para sa mga overseas Filipino worker, ngunit may ilan na pinipili ang mga private laboratory para sa mas mabilis na paglabas ng resulta kaya nagbabayad ang mga ito.

“Kapag nagpa-swab po sila sa private at binigyan ng permission ng Overseas Workers Welfare Administration at Bureau of Quarantine, magbabayad sila pero mas mabilis ang swab test result nila pero kaunti lang ho ang difference,” ani Del Rosario. (Raymark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.