Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P10K pabuya sa puganteng murderer

0 133

Determinado ang Bureau of Corrections (BuCor) na muling makulong ang isang presong kumawala sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Handang magbigay ng P10,000 pabuya ang BuCor para sa mga makapagbibigay ng impormasyon tungkol kay Rolly Alcantara, 45, base sa alarming pinadala ng Manila Police District,

Nakatakas ang naturang preso noong Marso 8, kinilala si Alcantara na tubong Brgy. Aguilar,San Lorenzo, Guimaras, at pinarusahan sa kasong murder at may hatol na reclusion perpetua o panghabambuhay na pagkakulong.

Maaari umanong tumawag sa 0955-0865224 o 0997-0810732 ang sinumang makakapagturo sa kinakaruonan ng nakatakas na preso.

Natuklasan ang pagtakas ni Alcantara noong magsagawa ng pagbibilang sa piitan sa Occidental Mindoro.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BuCor para malaman kung papaano nakatakas ang bilanggo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.