Una sa Balita

P10B PhilHealth scam sumingaw

By
0 613

Bubusisiin ni Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito ang isa pang sinasabing ano­malya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa susunod nilang pagdinig sa Martes.

May kinalaman ito sa P10 bilyong pondo na inilaan ng PhilHealth para sa mga senior citizen.

Gayunman, natuklasan na nire-align ang pondo sa Department of Health (DOH) para sa pagpapatayo ng mga rural health center na nangyari bago ang eleksiyon noong 2016.

Abante Hiring – IT dep

Base sa rekord, isinasangkot sa sinasabing iregularidad sina dating PhilHealth president Alex Padilla at dating Health Secretary Janette Garin.

Hindi naman malinaw kung makakasama rin sa iimbestigahan ang ibina­bato ring iregularidad sa PhilHealth noong si Senador Risa Hontiveros pa ang nakaupo sa ahensiya.

Matatandaang kinukuwestiyon din si Hontiveros sa sinasabing P1.761 bil­yon na halaga ng unauthorized bonuses para sa mga opisyal ng PhilHealth bukod pa sa umano’y paggamit ng senador sa pondo ng ahensiya para sa kanyang senatorial election.

Ayon kay Ejercito, ang maling paggamit ng pondo ng PhilHealth ay mas ma­laki pa sa pondong ginamit na pambili ng Dengvaxia vaccine.

“Matindi pa sa Dengva­xia! Parehong panahon!!! Grabe!” pahayag ni Ejercito sa kanyang text message sa mga Senate reporter.

“Abangan sa Martes,” dagdag pa ni Ejercito.

Sa pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee on National Health Insurance noong Martes, nadiskubreng nagkaroon ng financial mismanagement ang PhilHealth na nagresulta sa pagkalugi ng P4 bil­yon noong nagdaang taon.