Una sa Balita

P109M cash gift ng 1,090 centenarian, kasado na sa 2019

By
0 362

Naglaan ang gobyerno ng P109 milyong pondo para sa P100,000 cash gift na alay sa 1,090 Pinoy centenarian sa susunod na taon.

“The fresh funding is already in the budget of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) in the proposed General Appropriations Act for 2019 that we passed,” pahayag ni Makati City Rep. Luis Campos, Jr., miyembro ng House Appropriations Committee.

Mula nitong Agosto 31 ng kasalukuyang taon, naipamahagi ng DSWD ang kabuuang P468.8 milyong cash para sa 4,688 Pinoy na nagdiwang ng kanilang ika-100 kaarawan.

Ang pamimigay ng P100,000 cash gift ay alinsunod sa Centenarians Act na naisabatas noong 2016.

Ibinida ng mambabatas na sa Lungsod ng Makati, bukod sa P100,000 na nanggagaling sa national government ay pinagkakalooban din ng hiwalay na P100,000 ang mga centenarian na residente ng Makati na galing sa pondo ng lungsod.

Kaya ang mga centenarian na taga-Makati ay nakakatanggap ng kabuuang P200,000 na cash gift.