Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P102M ayuda ng ADB sa mga hinagupit ni `Odette’

0 171

Naglimos ang Asian Development Bank (ADB) ng $2 milyon o P102 milyon sa Pilipinas para tulungan ang 15,000 pamilya o 75,000 katao sa Visayas at Mindanao na sinalanta ng bagyong `Odette’ noong Disyembre 2021.

Ayon sa ADB, manggagaling ang ayuda sa Asia Pacific Disaster Response Fund nito na inilalaan para sa humanitarian assistance.

Gagamitin ang nasabing halaga para pondohan ang mga food voucher na ipamamahagi sa mga tukoy na komunidad. Magagamit ang voucer kapalit ng pagkain sa mga piling merkado.

Maaari ring gamitin ang pondo sa logistics support o para matiyak na makakarating sa mga liblib na lugar ang mga ayudang pagkain.

Sabi ng ADB, makikipag-ugnayan sila sa United Nations World Food Programme para maiparating ang food assistance sa mga nangangailangan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.